KALIGIRANG KASAYSAYAN:
Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong pagkakahimlay ang mga natutulog na damdamin ng mga
Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong
paring sina
Gomez, Burgos at Zamora at patayin sa pamamagitan ng garote nang walang matibay na katibayan ng pagkakasala. Ito’y naganap noong
ika-17 ng Pebrero,
1872. Naragdagan pa ito nang makapasok dito ang diwang liberalismo sa pamamagitan ng pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan, at ang pagkakapadala sa kapuluan ng
liberal na lider na tulad ni Gob.
Carlos Maria dela
Torre.
PAKSA
NG PANITIKAN:
1.Humihingi ng pagbabago o reporma sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.
2.Diwang makabayan.
3.Pag-asam o pagnanais ng kalayaan
2.Diwang makabayan.
3.Pag-asam o pagnanais ng kalayaan
ANG
KILUSANG PROPAGANDA:
Ang kilusang ito ay binubuo ng mga intelektwal sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at iba pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito.
Ang kilusang ito ay binubuo ng mga intelektwal sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at iba pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito.
LAYUNIN
NG KILUSANG PROPAGANDA
1.Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga
Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
2.Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3.Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang
Pilipino sa Kortes ng Espanya.
4.Gawing mga
Pilipino ang mga kura-paroko.
5.Ibigay ang kalayaan ng mga
Pilipino sa pamamahayag,
pananalita,
pagtitipon
o pagpupulong,
at pagpapahayag
ng
kanilang
mga
karaingan.
ANG
MGA PROPAGANDISTA:
- JOSE RIZAL –gumamit ng dalawang sagisag-panulat= Laong-laan (Amor Patrio); Dimasalang ( Masonry), itinatag-LA LIGA FILIPINA
- MARCELO H. DEL PILAR- gumamit ng iba’t ibang sagisag-panulat tulad ng PLARIDEL; PUPDOH;PIPING DILAT; at DOLORES MANAPAT
- GRACIANO LOPEZ-JAENA - kinilalang manunulat at mananalumpati sa “Gintong Panahon ng Panitikan at Pananalumpati”. Itinatag niya ang kauna-unahang magasin, ang LA SOLIDARIDAD na naging opisyal na bibig ng “Asociation Hispano Filipina”
- Antonio Luna - isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga Kastila sa Espanya. Sumanib sa kilusang PROPAGANDA. Ang paksa ng kanyang mga isinusulat ay nauukol sa mga kaugaliang Pilipino, at ang iba’y tumutuligsa sa pamamalakad ng mga Kastila. Ginamit niyang sagisag-panulat ay TAGA-ILOG.
-
Mariano Ponce - naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay at mananaliksik ng Kilusang
Propaganda. Mga sagisag-panulat na ginamit- TIKBALANG;
KALIPULAKO at NANING. Tungkol sa kahalagahan
ng
edukasyon ang karaniwang paksa ng kanyang mga sanaysay. Inilahad din niya ang
pang-aapi ng mga banyaga at ang karaingan ng bayan.
- Pedro Paterno - isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at nobelista sa Kilusang Propaganda. Sumapi sa Kapatiran ng mga Mason at sa Asociation Hispano-Filipino. Unang manunulat na nakalaya sa sensura sa panitikan sa mga huling araw ng pananakop ng Kastila.
- Jose Ma. PAnganiban - itinago ang tunay na pangalan sa ilalim ng sagisag na JOMAPA. Kilala sa pagkakaroon ng “MEMORIA FOTOGRAFICA”.
- Pascual Poblete - Kabilang siya sa dalawang panahon ng Panitikang Pilipino:Kastila at Amerikano. Mamamahayag, makata, mandudula, nobelista at mananalaysay. Itinatag niya at pinamatnugutan ang pahayagang “EL
RESUMEN”. Sa panahon ng Amerikano, itinatag niya ang pahayagang “EL
GRITO DEL PUEBLO” at “ANG TINIG NG BAYAN”. Siya ang kauna-unahang
Pilipino na
nagsalin
sa
Pilipino ng
Noli
Me Tangere
ni
Jose Rizal. Kinilalang “Ama ng Pahayagang
Tagalog.